Ano nga ba ang kagandahan ng isang mapayapang lipunan?
- Ang kagandahan ng isang mapayapang lipunan ay hindi na maghihirap pa ang mamayan hindi na makakaranas ng kahirapan ang mga tao. Kung saan may trabaho, tirahan, at higit sa lahat may payapang lipunan. Isa na rin ang edukasyon sa kagandahan nito sa mapayapang lipunan nandyan ang sapat na paaralan upang maturuan ang ating mga kabataan. Isa rin sa pinakamagandang dulot nito ay ang iwas krimen sa lipunan dahil magkakaroon na rin ng mga disiplinadong opisyal sa bawat parte ng lugar.
Ako bilang isang mamayan at estudyante papanatilihin kong maging mapayapa ang aking lipunan dahil sa huli tayo at tayo lang din ang nakikinabang nito. Mahalaga ang pagkakaroon ng unity o pagkakaisa sa ating lipunan dahil sa lahat ng oras dito nakasalalay ang ating buhay. Kaya't ikahayat natin ang pagkakaisa at ang kagandahan na maidudulot nito sa ating lipunan. Ang kagandahan na dulot na ito ay baka maging isa sa mga susi ng ating pag-unlad.